Home » News » News Roundup » 2 shabu users dedo sa shootout

2 shabu users dedo sa shootout

Dalawang lalaking nahuli sa aktong sumisinghot ng shabu ang napatay matapos nilang makipagbarilan sa police operatives sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Inspector Cecilo Tomas Jr., Caloocan Police Anti-Illegal Drugs Unit chief, ang mga napatay na sina Jessie “Par” Arceo at Joje Arceo, residente ng Barangay 178, Camarin, Caloocan.

Sinabi ni Tomas na bago naganap ang insidente, nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen tungkol sa nagaganap na shabu session sa isang bahay sa Barangay 178, Camarin.

Kaagad na pinuntahan ng police ang bahay ng mga Arceos, ngunit sinalubong sila ng mga putok ng baril pagtungtong nila doon bandang 12:08 a.m.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawang suspek sa limang minutong sagupaan. Nakatakas naman ang iba pa nilang kasama sa shabu session.

“Around three men escaped, but we are hunting them now. They must surrender while it’s not too late,” sabi ni Tomas. (Jel Santos)

comments