Home » Entertainment » Friendship matters to Ariel on his return to GMA-7

Friendship matters to Ariel on his return to GMA-7

ariel-rivera-copy-copy

Anim na taon din na hindi gumawa ng teleserye ang singer-actor na si Ariel Rivera sa bakuran ng GMA-7.

Ngayon ay balik Kapuso si Ariel sa pamamagitan ng bagong aabangan na afternoon prime teleserye na “Hahamakin Ang Lahat” kung saan bida sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Huling teleserye ni Ariel sa GMA-7 ay “Ina, Kasusuklaman Ba Kita” noong 2010.

Lumabas siya sa ilan pang teleserye tulad ng “Narito Ang Puso Ko,” “Kamandag,” “Atlantika,” “Sugo,” “Forever In My Heart,” “Now and Forever,” “Luna Mystika,” “Fantastic Man” at “Rosalinda.”

Katatapos lang ni Ariel sa teleserye na “Born For You” sa ABS-CBN 2.

“They asked me and it sounds interesting.

“Kaibigan ko din naman ang mga TV executives sa GMA-7 na sina Redgynn Alba, Mavic Tagbo at Darling Pulido. I said yeah, I’d love to.

“I’m very excited! One of the reasons why I accepted this is because kaibigan ko nga ‘yung mga kasama ko.

“They’re very dear friends. We’re not just friends, we’re dear friends. We go way back.

“In fact, when I turned 40, they’re one of the few people in the industry that I invited to my party.

“We’re that close. I was excited to work with them,” sey pa ni Ariel.

Looking forward si Ariel na makatrabaho ang mga bida na sina Kristoffer at Joyce.

First time niyang makakatrabaho ang KrisJoy loveteam at ready siyang makaeksena ang mga ito.

“I’m actually looking forward to how they are.

“I love working with new actors kasi. Makikita at mararamdaman mo ‘yung excitement nila sa set.

“I’ve worked with so many new actors in the past at ’yung iba sa kanila ay magagaling na at nananalo na ng mga acting awards.

“Hopefully, we can create a wonderful show. I’m looking forward to it. It’s a challenge,” pagtapos pa ni Ariel Rivera. (RUEL J. MENDOZA)

comments