Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ariel and Gelli decide to stay for good in PH

Ariel and Gelli decide to stay for good in PH

20ariel-rivera-copy-copy

MAGKASUNOD ang concert nina Vina Morales at Sharon Cuneta last weekend. Pareho nilang naging boyfriend si Robin Padilla na guest ni Vina. Kilig-kiligan ang huli sa kanyang ex-boyfriend.

Ni-reveal ni Sharon na muntik na niyang pakasalan si Robin. Natuklasan lang niyang may nabuntis itong babaeng hindi niya binanggit ang pangalan.

Si Lea Orosa kaya ’yun o ang first wife ni Robin na si Liesel Sicangco? Sa guesting ni Sharon sa “Magandang Buhay,” inamin niyang iniyakan niya si Robin.

Nakarelasyon din ni Robin si Kris Aquino. Sa pagkatanda namin, muntik na silang magtanan. Nag-back out lang si Kris.

Matindi talaga ang karisma ni Robin. Kahit nagkaedad na at malalaki na ang mga anak, malakas pa rin ang kanyang sex appeal. Apat ang anak ni Robin kay Liesel. Manganganak next month ang present wife niyang si Mariel Padilla sa kanilang panganay. Wish ni Robin na mabigyan siya ng US visa para makapunta siya sa America kung saan manganganak si Mariel.

Nagbago

Nagbago na ng plano sina Ariel Rivera at Gelli de Belen. Dito na sa Pilipinas sila maninirahan hanggang pagtanda nila. Napagkasunduan nila noon na kapag nag-high school na ang mga anak nilang sina Joaqui at Julio ay magre-relocate na sila sa Toronto, Canada.

Ang mga ito lang ang natuloy at doon na nag-aaral. “Ang lungkot sa bahay namin. Dalawa lang kami ni Gelli,” sabi ni Ariel nang nakatsikahan namin sa set ng “Hahamakin ang Lahat,” comeback project niya sa GMA7.

First time nahiwalay sa kanila ang mga anak nila. No’ng nagkasakit si Julio ay umiyak si Gelli. Hindi niya maalagaan ang anak. Nilagnat ang bagets, ani Ariel.

Sa bahay ng parents at mga kapatid ni Ariel nakatira ang mga ito.

Hindi na sila magma-migrate sa Canada. “Naaawa ako kay Gelli. Ano ang gagawin niya doon? Dito sa Pilipinas, nag-e-enjoy siya sa kanyang showbiz career,” ani Ariel.

Boylet

Malabong magselos kay Lovi Poe ang non-showbiz girlfriend ni Derek Ramsay. Cool lang ito sa passionate scenes nina Lovi at Derek sa “The Escort.” Hanggang on camera lang ’yun.

Off-camera, my boylet si Lovi, ang Fil-French guy na si Chris Johnson. Kamakailan ay narito ito sa Pilipinas at dinalaw si Lovi. May video nilang lumabas sa social media na nasa isang beach resort sila.

Ayon kay Lovi, nasa dating stage pa lang sila. Hindi siya naniniwala sa courtship. Mas naniniwala siya sa companionship. Enjoy-enjoy lang sila sa isa’t isa.

comments