Home » News » News Roundup » Iniwan ng partner, nagbigti

Iniwan ng partner, nagbigti

Nagbigti ang isang 26-year-old TESDA student kahapon sa loob ng kanyang bahay sa Muntinlupa City matapos niyang malaman na may kalaguyo ang kanyang live-in partner.

Ayon kay city police chief Senior Supt. Nicolas Salvador, natagpuan ang bangkay ni Luis Soriano na nakabitin mula sa kisame ng kanyang tahanan sa 35 Sampaguita Extension, Lakeview Homes, Barangay Putatan, Muntinlupa City. Nylon cord ang ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

Base sa police report, nakita ang bangkay ng biktima ng kanyang pamangkin na si John Carlo Tampo, 23, dakong 11:30 a.m. (Jean Fernando)

comments