Home » News » Headlines » Drug suspect, isang ASG member

Drug suspect, isang ASG member

Kumpirmadong member ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang isa sa mga naarestong maintainers ng drug dens na sinalakay ng mga pulis sa isang Muslim compound sa Quezon City noong nakaraan buwan, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Sinabi kahapon ni QCPD chief Senior Supt. Guillermo Eleazar na ang nadakip na si Juraid Sahiddun ay miyembro ng bandidong grupong ASG na sangkot sa mass abduction sa Barangay Tairan, Lantawan, Basilan province noong Hunyo 2001.

May standing arrest warrant laban kay Sahiddun mula sa Basilan Regional Trial Court.

Matatandaan na isa si Sahiddun sa 145 drug suspects na nadakip noong September 16 nang salakayin ng police ang Salaam Compound sa Barangay Culiat. Isa umano siya sa mga nagpapatakbo ng drug dens sa naturang lugar.
(Vanne Elaine Terrazola)

comments