Home » Entertainment » Kim Domingo is 2017 Ginebra Calendar Girl

Kim Domingo is 2017 Ginebra Calendar Girl

ANG Kapuso Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo ang napili bilang calendar girl ng giant liquor brand na Ginebra San Miguel.

Ni-launch si Kim sa isang engrandeng event na ginanap noong Oct. 19 sa Sequoia Hotel in Quezon City.

According sa brand manager ng Ginebra San Miguel na si Paolo Tupaz, si Kim ay magandang ehemplo ng pinakabago nilang brand campaign na “Ganado sa Buhay.”

“Kim definitely personifies our marketing campaign, ‘Ganado sa Buhay.’

“She worked her way up to become one of the most recognizable faces in the entertainment industry today.

“Her story is an inspiration to every hardworking Filipino,” ayon kay Tupaz.

Itinuturing naman ni Kim na first big major endorsement niya ang Ginebra San Miguel.

Masayang sinabi ni Kim na malaking tulong sa kanyang career ang mapili bilang isang calendar girl ng malaking liquor brand.

“Itong po kasing pagiging calendar girl ko sa Ginebra San Miguel, napakalaking tulong po nito sa career ko.

“Unang-una po, sa mga hindi po nakakaalam, ito po ang kauna-unahang big endorsement ko po talaga,” paliwanag niya.

“Siyempre kapag sinabing Ginebra noon at hanggang ngayon alam ng mga Pilipino ‘yan eh,” ngiti pa niya.

Ang tema ng kalendaryo para sa 2017 ay Cheeky and Geeky na makakapagpakita ng fun at quirky side ni Kim.

Susundan ni Kim ang mga yapak ng iba pang Kapuso stars tulad nina Solenn Heussaff na naging Ginebra San Miguel calendar girl noong 2012 at and Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na dalawang beses lumabas sa mga kalendaryo nito noong 2009 at 2014.

Kasalukuyang napapanood si Kim sa comedy-gag show na “Bubble Gang.” Lumabas na rin si Kim sa mga shows na “Juan Happy Love Story,” “Magpakailanman,” “Tunay Na Buhay” at “A1 Ko sa ‘Yo.” (RUEL J. MENDOZA)

comments