Home » News » News Roundup » Gunman patay sa shootout

Gunman patay sa shootout

Patay ang isang hinihinalang holdupper nang makipagbarilan sa mga pulis sa harap ng isang bodega sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila, bandang 11:20 p.m. noong Huwebes.

Ayon sa police, nakilala lamang ang napatay na suspek sa alyas na “Gilbert, nasa edad 35 hanggang 40, may taas na 5’2” at nakasuot ng gray t-shirt, maong pants, at green bull cap.

May tattoo siya na Chinese character sa kanyang katawan at “Gibz” sa kaliwang balikat. Bago naganap ang insidente, nakatanggap ang Sta. Cruz Police Station ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang lalaking armado ng baril na gumagala sa kanto ng Rizal Avenue at Pampanga Street.

Kaagad na rumesponde ang mga pulis sa pangunguna ni SPO4 Mardonio Abuna. Nasa aktong lalapitan ng mga pulis ang armadong suspek nang paputukan sila ng huli.

Gumanti ng putok ang mga alagad ng batas at napatay noon din si Gilbert. (Analou de Vera)

comments