Home » News » News Roundup » MMDA ‘mercy mission’ sa CAR

MMDA ‘mercy mission’ sa CAR

Nagpadala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 60-man team para tumulong sa clearing at rehabilitation ng mga lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR) na sinalanta ng bagong “Lawin”.

Ang MMDA contingent na binubuo ng mga tauhan ng Public Safety Division, Road Emergency Group at Rescue Battalion, ay bahagi ng “Mercy Mission Task Force Lawin” na ipinadala kahapon ng umaga.

Dala-dala ng team ang chainsaws, rescue at emergency vehicles para alisin ang mga natumbang puno at iba pang bagay na bumara sa mga pangunahing daan matapos na bayuhin ng malakas na bagyo ang northern part ng bansa.
(Anna Liza Villas-Alavaren)

comments