Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Break-up with Lovi was most painful says Rocco

Break-up with Lovi was most painful says Rocco

23rocco-copy-copy

MUKHANG walang bitterness na nararamdaman si Glaiza de Castro sa naudlot na “something” nila ni Benjamin Alves. Nali-link ngayon ang binata kay Julie Anne San Jose.

“Okey ako. Masaya ako for them. Hindi naman ako magiging Pirena (karakter ni Glaiza sa “Encantadia”) sa kanila. Wala naman kaming commitment (ni Benjamin). Matagal na kaming magkakilala. Hindi ko inasahang mag-a-attempt siya (manligaw). Ang mga lalaki naman, best foot forward kapag nanliligaw. Ang ganda ko pala (laughs),” sabi ni Glaiza nang nakausap namin a few days ago.

Aniya pa, matagal na silang hindi nagkikita ni Benjamin at wala na silang communication. Kumbaga, parang bula itong biglang naglaho na lang. Naging supportive naman daw si Benjamin bilang isang kaibigan. They both realized na hindi lahat ng magkaibigan ay swak for a relationship.

In any case, kagabi’y nagkaroon ng charity event si Glaiza sa UP Cine Adarna, Diliman, QC. Bukod sa kantahan, rakrakan, nagkaroon ng meet-and-greet si Glaiza bilang bonding na rin sa kanyang fans. Ang Philippine General Hospital Pedriatic Cancer Ward ang beneficiary.

Pinakamasakit

Nag-renew si Rocco Nacino ng three-year contract sa GMA7 at aniya, sobrang thankful siya sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng Kapuso Network. “Ang sarap magtrabaho. Lalo akong nai-inspire. Very motivating,” ani Rocco.

Natanong na naman siya tungkol kay Lovi Poe. Ani Rocco, pinakamasakit na break-up ’yun. “All-out kasi akong magmahal.”

Mukhang hurting pa rin siya nang sabihin niyang in-unfollow na niya si Lovi sa social media. “Bakit pa? Para saan pa? Masaya na ako ngayon. Walang rason para mag-usap pa kami,” saad ni Rocco.

Aniya, nagulat lang siya sa pangyayari. Sobrang nasaktan siya. Walang third party sa break-up nila. “Pag mahal mo ang isang tao, it’s better to let her go,” he said.

Sa isang interbyu kay Lovi, sinabi niyang siya ang nakipag-break kay Rocco. “Ginusto niya ’yun. Alangan namang pigilan ko siya sa gusto niyang gawin,” he said.

Ayon kay Rocco, nakatulong sa kanyang healing process ang pagkasama niya sa “Encantadia” na pinagkaabalahan niya, ang suporta ng kanyang pamilya at ang pakikipag-usap niya sa kanyang sarili na maraming bagay siyang na-realize.

Magpapanggap

Simula ngayong Linggo, 5 p.m., sa GMA7 ang “Perfect Fit,” four-week episode ng “Usapang Real Love.” Tampok sina Andre Paras at Mikee Quintos. Magpapa-repair ng cell phone si Cindy (Mikee) kay Ella (Mikeerin). Magpapanggap siya bilang Cindy noong nakita niya sa app nito ang high school crush na si Eugene (Andre).

comments