Home » Entertainment » Ruru mourns loss of grandmother

Ruru mourns loss of grandmother

ruru-copy-copy

IN mourning ngayon ang Kapuso teen actor na si Ruru Madrid dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola noong nakaraang Oct. 20.

Sa Instagram account ng “Encantadia” star, nag-post ang aktor ng litrato kung saan kasama niya ang kanyang lola na kung tawagin niya ay “Nanay”.

Dumagsa ang maraming pakikiramay kay Ruru mula sa mga kaibigan, katrabaho at fans.

Noong sumali si Ruru sa reality show na “Protégé: The Battle for the Big Artista Break” noong 2012, isa sa mga kuwento niya ay ang pagiging close niya sa kanyang lola na nagpalaki sa kanya.

Heto ang touching message ni Ruru para sa kanyang lola:

“Sa isang pinakamagandang babae sa buong mundo, sa pinakamabait, maalaga, mapagmahal na Nanay at lola, sa nag-alaga sa akin nung bata ako, sa nagturo sa aking magsabi ng ‘Po’ at ‘Opo,’ sa nagbigay ng 2 yaya sa akin nung Grade 1 ako dahil masyado akong tamad, sa nagkwento sa akin tuwing gabi ng mga nakakatuwang kwento, sa isa sa mga tumatanggap ng pagka-pilyo ko at sa nanay ng 11 kong mga tito at tita na nagkaanak ng napakadami kong mga pinsan at sa mahal na mahal kong lola/Nanay.

“Maraming maraming salamat po Nay… Sorry po kung medyo naging busy po ako lately at di tuloy kita lagi napupuntahan at nadadalhan ng paborito mong pagkain… Gusto po sana kita bilhan ng mga pang-tinda mo sa tindahan mo eh mga damit din po.

“Nay, kanina nung nasa hospital ka na lumapit po ako sa ’yo at sinabi mo agad saken na “I miss you,” Nay miss na miss din po kita nun lalo na po ngayon. Miss na miss na kita agad. Mahal na mahal po kita Nay. Alam mo naman po yun dahil lagi kong sinasabi sa yo yun tuwing magkikita tayo pero di po sapat yung mga yun nay sa pinaramdam mong pagmamahal saken, I love you so much po… Rest in peace, Nanay. May 13, 1934-Oct. 20, 2016.” (RUEL J. MENDOZA)

comments