Home » News » Headlines » 2 men patay sa shootout

2 men patay sa shootout

Patay ang dalawang nakamotorsiklong lalaki nang tangkain nilang iwasan ang police checkpoint at makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sinabi ni Senior Supt. Johnson Almazan na ang mga napatay sa checkpoint sa Barangay 178, Camarin, bandang 3 a.m, ay galing sa kalapit na Barangay Sto. Niño kung saan itinumba nila ang dalawang tao.

Base sa report, hinabol ng mga pulis ang dalawang nakamotorsiklong suspek at inutusan na huminto. Ngunit sa halip na sumunod sa utos, pinaputukan sila ng baril.

Gumanti ng putok ang mga alagad ng batas at napatay ang mga suspek.

Nalaman ng police na ilang oras bago naganap ang shootout, pinatay ng dalawang lalaki sina Noel Kalintan, 40, at isang nagngangalang Teresa sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Sto. Niño bandang 2 a.m.

Sugatan naman ang kanilang kapitbahay na sina Jeffrey Cachero, 35, at Mark Jayson Cacheco, 2, nang tamaan ng ligaw na bala. (Jel Santos)

comments