Home » Entertainment » Joshua-Kira tandem tagged as next JLC-Bea

Joshua-Kira tandem tagged as next JLC-Bea

untitled-5-copy

NADAGDAGAN na naman ng kilig ang hapon ng Kapamilya viewers sa pagbida ng bagong tambalan nina Joshua Garcia at Kira Balinger sa ABS-CBN afternoon teleseryeng “The Greatest Love.”

Agad na kinakiligan ng mga manonood ang unang pagsasama sa telebisyon nina Joshua at Kira na gumaganap bilang sina Z at Y, respectively. Naging maganda rin ang pagtanggap ng netizens sa kanilang nakakikilig na mga eksena sa serye.

Komento nga ni @iamemush sa Twitter account ni Joshua: “@iamjoshuagarcia @Kbalinger Ang cute nyong 2 sa #TheGreatestLove Bagay Kayo…”

Natutuwa naman si Joshua sa pagtanggap ng mga tao sa love team nila ni Kira. Nag-e-enjoy raw siyang kasama si Kira dahil bukod sa nagkaroon siya ng bagong kapareha ay nakatagpo pa siya ng bagong kaibigan. Dagdag pa ni Joshua, “Ngayon, nasa ‘getting to know each other’ stage pa lang kami. Pero mahaba pa ang tatakbuhin ng kuwento namin, kaya marami pang kulitan at kiligan ang dapat abangan ng mga manonood.”

Ibinahagi rin ng Kapamilya actor ang kanyang tuwa sa patuloy na pagkukumpara sa kanya sa multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz. Bukod kasi sa kahawig niya si John Lloyd ay kinakikitaan din siya ng potential na maging magaling ding aktor.

“Masaya ako, siyempre. Sino ba namang hindi matutuwa, John Lloyd na iyon e,” ani Joshua.

Kaya naman, hindi rin maiwasan ng fans na bansagan ang love team nina Joshua at Kira bilang susunod na John Lloyd-Bea Alonzo tandem. Ayon nga kay @_blythe_: “@iamjoshuagarcia @Kbalinger daming nagsasabi na next Bea-JLC kayo hehe”
Samantala, malaking challenge naman para kay Kira, na una nang lumabas sa “The Story of Us,” ang kanyang role ngayon sa “The Greatest Love.” “Sobrang laki ng adjustment kasi sa ‘The Story of Us,’ Inglesera ako roon. Ito namang role na ito, laking kanto, Tagalog na Tagalog. Pero para rin iyon sa growth ko,” anang young actress.

Unti-unti ngang pagtatagpuin ng tadhana ang mga buhay nina Z at Y. Ngunit paano kaya makakaapekto ang kanilang umuusbong na pagkakaibigan sa buhay nina Gloria (Sylvia Sanchez) at ng kanilang pamilya? Mapapanood ang “The Greatest Love” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Doble Kara” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. (GLEN P. SIBONGA)

comments