Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake may galit kay Jericho?

Jake may galit kay Jericho?

27moose-gear-kids-copy

ANG “Goin’ Bulilit” stars na sina Jana Agoncillo, Ashley Sarmiento, Mitch Naco, Raikko Matteo, Josh de Guzman at Marco Masa ang bagong celebrity kid endorsers ng Moose Gear clothing apparel. Maraming pagpipilian ang mga bagets na katulad nila sa latest Christmas holiday collection ng Moose Gear.

May sports shirts, long sleeves at denims para sa Moose Gear, samantalang casual chambray dresses ang para sa Moose Girl. Meron ding “mini me” collection para sa toddlers, pre-schoolers at primary children.

Nagkaroon ng mini-fashion show sa presscon. Wala si Raikko, kaya ang rumampa lang ay sina Jana, Ashley, Mitch, Josh at Marco, suot ang iba’t ibang style ng MG clothing line.

Dating celebrity kid endorsers sina Billy Crawford, Patrick Garcia at Angelica Panganiban. Gayun din ang former “Goin’ Bulilit” stars na sina Nash Aguas, Mika dela Cruz, Makisig Morales, Sharlene San Pedro at Jairus Aquino.

Sumunod sina Andrea Brillantes, Cha Cha Canete, Xyriel Manabat, Yesha Camille, Zaijan Jaranilla, Bugo Carino, Harvey Bautista at Izzy Canillo.

Available sa SM Store at major department stores nationwide ang Moose Gear. Exclusively available naman ang Moose Girl sa SM Department Stores nationwide. High quality at affordable ang prices.

Lasing

Hindi naitago ang diumano’y pagwawala ni Jake Cuenca sa nakaraang Star Magic Ball. Balitang diumano’y nagmura si Jake habang nasa kalagitnaan ng kanyang acceptance speech si Jericho Rosales para sa kanyang Icon Award.

Inawat lang diumano nina Gerald Anderson at Fred Payawal si Jake sa pagwawala nito. Ayon sa isang source, bago pa rumampa si Jake sa red carpet ay nahalata nilang lasing na ito.

Pinag-iisipan ng ibang tao kung may isyu raw ba sina Jericho at Jake. May intriga pa na baka raw hindi matanggap ni Jake na si Jericho ang binigyan ng Icon Award. Why not? Deserved naman ’yun ni Jericho.

Ibabalik pa kaya?

Nagtatanong ang GabRu fans nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid kung ibabalik pa raw ba ang karakter ni Gabbi bilang Alena sa “Encantadia”? Sa huling appearance ni Gabbi, matapos siyang manganak kay Kahlil (Avery Paraiso) ay naging pagong siya. Lumusong siya sa dagat at naglaho na ang karakter niya.

Sa tinatakbo ng istorya, nagkakalapit na ang mga kalooban nina Ybarro (Ruru) at Amihan (Kylie Padilla). Pilit iniiwasan pa ni Amihan si Ybarro. Subalit nahahalata ng mga kasama nila ang kakaiba nilang pagtitinginan.

Paano na si Alena? Makalimutan na kaya siya ni Ybarro?

comments