Home » News » News Roundup » 70 families nasunugan

70 families nasunugan

Nasa 70 pamilya ang nanunuluyan ngayon sa covered court ng Barangay Sta. Lucia, Pasig City matapos na masunog ang isang residential building noong Miyerkules ng gabi.

Tinatayang nasa R2.5 milyong halaga ng ari-arian ang nasira nang tupukin ng apoy ang two-floor residential complex sa East Bank road, Purok 2, bandang 6:42 p.m.

Nalaman ng mga bumbero na nagsimula ang sunog sa kaliwang bahagi ng second floor ng gusali ngunit inaalam pa rin nila ang sanhi nito.

Umabot hanggang fourth alarm ang sunog bago ito na-control bandang 8:23 p.m. at tuluyang naapula dakong 9:06 p.m.
Walang nasaktan sa naturang sunog. (Jenny F. Manongdo)

comments