Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Elmo at Janella nagkakamabutihan

Elmo at Janella nagkakamabutihan

elmo-and-janella1-copy

ANG homegrown GMA7 talent na si Mikee Quintos ang gumaganap bilang Lira sa “Encantadia.” Aliw sa kanya ang televiewers sa pakikay niyang karakter at aniya’y grateful siya sa mga nakaka-appreciate sa pagganap niya ng role.

Lira raw ang tawag sa kanya ng mga nakakakita sa kanya at nagpapa-picture-taking pa ang mga ito sa kanya. Mikee is 18 years old at third year college sa UST taking up Architecture.

Aniya, enjoy siya sa kanyang role at may action scenes pa siya sa “Encantadia.” Like niya ang kanyang costume at feeling ganda-gandahang diwata siya talaga.

Napapanood din si Mikee sa “Usapang Real Love” kung saan tampok siya sa “Perfect Fit” four episodes with Andre Paras.

First-ever interactive romcom series ito showing every Sunday at 5 p.m. sa GMA7.

Sa mga boys na gustong makita ang kanilang sarili on TV, mag-submit lang ng inyong video entries na nagpapakita kung paano ba magtapat ng inyong feelings para sa isang babae. Ipadala sa Face Book, i-tweet o i-post sa Instagram. I-tag ang @UsapangRealLove #MagpaFANSin. Ang mapipiling video ay isasama sa episode. Abangan this Sunday ang isa na naming exciting episode ng cute love story nina Ella (Mikee) at Eugene (Andre).

Expected

Expected nang matapos mag-break sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona, kasunod nito’y kiyemeng nagkakamabutihan na sina Elmo at Janella Salvador. What else is new? May tsika pang diumano’y nagpupunta si Janella sa condo unit ni Elmo at may dala pa raw food. Sila ang magka-date sa nakaraang Star Magic Ball.

Sina Elmo at Janella ang magka-love team, kaya expected na ang gano’ng scenario. Parang Paulo Avelino lang ang peg.

Nang lumipat si Paulo sa ABS-CBN, diumano’y pinagbawalan siyang pag-usapan si LJ Reyes, hanggang eventually, nag-break sila.

Itinanggi

As expected, itinanggi ni Jake Cuenca sa isang interbyu ang pagwawala niya sa nakaraang Star Magic Ball. Diumano’y hindi matanggap ni Jake na si Jericho Rosales ang pinarangalan ng Icon Award. Ayaw na marahil palakihin pa ng Kapamilya Network ang isyu.

Magka-Pamilya ang dalawang aktor at hindi maganda sa paningin at pandinig na may iringan sila.

R-13

R-13 without cuts ang classification ng MTRCB sa “The Escort,” kaya tuwang-tuwa ang mag-inang producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde. Sa Nov. 2 ang showing ng movie kung saan bida sina Lovi Poe, Derek Ramsay at Christopher de Leon. Directed by Enzo Williams.

Todo-bigay sina Lovi at Derek sa kanilang passionate scenes na anila’y sexiest at most daring ever.

comments