Home » News » Headlines » ‘Lakbay Alalay’ para sa Undas

‘Lakbay Alalay’ para sa Undas

Muling binuhay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang “Lakbay Alalay” program para matugunan ang mga problema sa daan sa darating na paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon sa DPWH, bubuhayin ng Regional Offices (ROs) at District Engineering Offices (DEOs) ang “Lakbay Alalay” para sa mga motorista simula 5 p.m. ngayon, October 28, hanggang 12 p.m. ng November 2.

Sinabi ng DPWH na daan-daang “Lakbay Alalay” teams ang idi-deploy sa mga strategic locations para matulungan ang publiko sa kanilang paglalakbay.

“These teams shall assist roadside concerns of motorists joining the All Saints’ Day rush,” pahayag ng DPWH. (Argyll Cyrus B. Geducos)

comments