Home » News » News Roundup » Libreng libing para sa drug suspects

Libreng libing para sa drug suspects

Bukas din sa mga pamilya ng mga napatay na drug suspects ang libreng burial services na inilunsad kamakailan ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga mahihirap na resident ng siyudad, ayon kay Mayor Joseph Estrada kahapon.

Binigyang diin ni Estrada na walang discrimination sa bagong itinayong proyekto ng city government. Sinabi ng alkalde na kahit na ang mga drug suspects na napatay sa police operations ay maaaring ipalibing ng libre sa bagong columbarium at apartment crypt sa Manila North Cemetery.

“Walang pinipili, basta taga-Maynila. Dahil ito, gastos lahat ng Maynila at taga-Maynila lang ang dapat makinabang ditto,” pahayag ni Estrada. (Betheena Kae Unite)

comments