Home » Entertainment » Mark and Aljur tested negative for drugs

Mark and Aljur tested negative for drugs

29mark-herras-copy

DUMAAN na sa drug test ang dalawang Kapuso actors na sina Mark Herras at Aljur Abrenica.

Parehong lumabas na negative ang resulta ng kanilang drug tests.

Pinost pareho nina Mark at Aljur ang resulta ng kanilang drug test via social media. Isang patunay lang ito na hindi sila gumagamit or nalulong sa paggamit ng pinagbabawal na droga.

Ginawa nila ito bilang pagsunod sa mandatory drug testing para sa celebrities.

Ayon sa test results issued by Makati Medical Center Drug Testing Unit, si Mark ay negative for cocaine, methamphetamine, morphine, and tetrahydrocannabinol.

Dahil sa magandang resultang ito, tuwang-tuwang ang girlfriend ni Mark na si Winwyn Marquez.

Nag-“I love you” pa si Wyn sa kanyang comment sa pinost na drug test result ng kanyang actor-boyfriend.

Si Aljur naman ay nagpa-drug test din noong nakaraang Oct. 26 at negative din ang lahat ng test niya.

Paraan daw ito ng Kapuso hunk na suportahan ang campaign for a drug-free Philippines.

“This is to signify my support for a Drug-Free Philippines. I’m proud to be high on life not on drugs,” caption pa ni Aljur sa kanyang post sa Instagram.

Magpapa-drug test din ang mga bida ng “Tsuperhero” na sina Derrick Monasterio at Bea Binene. Gusto rin nilang sumuporta sa naturang campaign at mawala ang impression ng maraming tao na lahat ng mga artista ay gumagamit ng droga.

Ang mga nagpa-drug test na ring celebrities at negative ang results ay sina Solenn Heussaff, Dennis Trillo, Rafael Rosell, Lucky Manzano, Martin del Rosario, James Reid at marami pang iba.

Nitong mga nakaraang buwan kasi ay nagkasunud-sunod ang paghuli at pagkulong sa celebrities na na-involve sa droga tulad nila Mark Anthony Fernandez, DJ Karen Bordador, Krista Miller, and Sabrina M. (RUEL J. MENDOZA)

comments