Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Nadine lumalapad

Nadine lumalapad

sunshine-dizon-copy-copy

NAGKAHARAP na sina Sunshine Dizon at Glaiza de Castro sa “Encantadia.” Si Sunshine ang unang gumanap bilang Pirena na ginagampanan ngayon ni Glaiza. Aniya, kinilabutan siya noong kunan ang eksenang nagkaharap sila ni Sunshine.

Nagtitigan sila na after ng take ay nagkatawanan sila.

“Parang awkward dahil halos magkadikit na ang mga mukha namin. Halos magkandaduling kami (laughs),” ani Glaiza.

Gumaganap si Sunshine bilang Adhara. Si Pirena ang kinikilalang reyna ng Lirio na inagaw niya sa kapatid niyang si Amihan (Kylie Padilla). Sanib-puwersa sina Amihan at Danaya (Sanya Lopez) laban kay Pirena. Mabawi pa kaya ni Amihan ang trono kay Pirena?

Hiling

Sa kabila ng matinding pinagdaraanan ngayon ni Alma Moreno bilang isang ina, sinisikap niyang magpakatatag, lalo na kapag dinadalaw niya ang anak na si Mark Anthony Fernandez na nakakulong sa Pampanga Provincial Jail.

Sa kanya ito humuhugot ng lakas ng loob, kaya kailangang ipakita niyang malakas siya. Paulit-ulit ang hiling ni Alma na ipagdasal ang kanyang anak na malampasan ang mabigat na pagsubok.

Nangako raw sa kanya si Mark na kapag naayos na ang kasong kinakaharap nito’y magbabago na ito. Plano ni Mark manirahan abroad.

Kung buhay lang sana si Rudy Fernandez, may katuwang si Alma sa pagharap sa kaso ng anak nilang si Mark. Buti nalang, maraming kaibigan silang sumusuporta. Nakakagaan sa loob ni Alma ang malasakit ng mga ito sa pinagdaraanan nila ni Mark.

Wagi

Kung nagkaroon tayo ng Miss Universe 2015 sa katauhan ni Pia Wurtzbach sa nakaraang administration ni ex-President Noynoy Aquino, meron namang Miss International 2016 sa administration ni President Rodrigo Duterte.

Tinanghal na Miss International 2016 si Kylie Versoza sa katatapos na beauty pageant sa Tokyo, Japan. Isa na naming malaking karangalan ’yun sa Pilipinas. First runner-up naman si Nicole Cordoves sa Miss Grand International 2016 na ginanap sa Westgate Hotel & Casino, Las Vegas, Nevada.

Sa January 2017 gaganapin ang Miss Universe pageant na si Maxine Medina ang representative ng Pilipinas. Sana’y magwagi rin si Maxine para may Miss International na, may Miss Universe pa sa panahon ni President Digong.

Tumataba

Pinaka-daring ang love team nina Nadine Lustre at James Reid. Wala silang kiyeme sa kissing scenes at love scenes.

Kapansin-pansin lang na tumataba si Nadine. Ang laki ng face niya sa screen sa kanilang teleserye.

Diet at exercise lang sana pag may time, Nadine! Si James, papable at physically fit ever.

comments