Home » Entertainment » Pacman prepares for Vegas fight

Pacman prepares for Vegas fight

pacquiao-copy

NASA Los Angeles, California na ngayon si Senator Manny Pacquiao para sa kanyang paghahanda sa nalalapit na laban niya with Jessie Vargas sa Las Vegas on Nov. 5.

Dahil ilang araw na lang bago ang laban ni Pacman with Vargas, iniwan muna nito ang kanyang trabaho sa senado para ipagpatuloy ang kanyang training sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood, California.

Magaganap ang Pacquiao-Vargas fight sa Thomas & Mack Center on the campus of the University of Nevada-Las Vegas.

Naging mahirap para kay Pacman ang pagsabayin ang training niya rito at ang trabaho niya sa senado. Pero naayos namang mabuti ang schedule niya kaya pareho niyang naharap ang dalawang trabaho.

Maagang nagigising si Pacman para mag-jogging sa paligid ng Forbes Park. Sumunod ang isang oras na warm-up exercises kasabay ng shadow boxing.

After ng kanyang morning training, diretso naman siya sa senado para sa ilang trabaho niya.

Pagkatapos ng Senate work ay diretso naman siya sa boxing gym para sa ilang oras na boxing rounds.

Gano’n din ang kanyang workout routine sa US. Magigising siya ng maaga para mag-jog paakyat ng Griffith Park. Magsa-shadow boxing siya nang isang oras at ilang leg and arm exercises ang kasunod na gagawin.

Pinakita rin niya sa media ang kanyang workout sa Wild Card Boxing Club with trainer Freddie Roach.

“It is all about discipline and time management.

“Boxing is my passion and public service is my calling. I will continue to travel both roads as long as I can do both effectively,” diin pa ni Pacman.

Kahit na tila kulang sa ingay ang panibagong laban niya, gagawin pa rin ni Pacman ang lahat para maipanalo niya ang laban na ito.

“I dedicate the fights I take on to my fans and my countrymen. They have kept me in their prayers. I fight to bring glory to the Philippines whether I’m wearing boxing gloves or standing on the floor of the senate,” pagtapos pa ni Senator Manny Pacquiao. (RUEL J. MENDOZA)

comments