Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Isang linggong pag-ibig

Isang linggong pag-ibig

jennylyn1b-copy-copy

PARANG kanta ni Imelda Papin na “Isang Linggong Pag-ibig” ang nangyari kina Sunshine Cruz at Macky Mathay. Sa interbyu ng Pep kay Macky, sinabi niyang sinagot siya ni Sunshine after one week na ligawan.

Sept. 18 siya sinagot ni Sunshine, ani Macky. Wish lang ng concerned friends nila na magtagal o maging forever ang kanilang relasyon kahit madaling napasagot ni Macky si Sunshine.

Sa post ng messages ni Macky sa social media, mukhang love na love niya si Sunshine. Hinding-hindi raw niya iiwan ang singer-actress.

Ang daming nakakakilig na messages si Macky para kay Sunshine. Pati sa tatlong anak ni Sunshine sa ex-husband niyang si Cesar Montano, ang gaganda ng messages ni Macky.

May tatlo ring anak (two boys and a girl) si Macky sa estranged wife niya, si Camille Fariñas. Last year sila naghiwalay, four years naman sina Sunshine at Cesar. Ongoing ang proseso ng annulment ng kanilang kasal. Inaayos na rin ni Mack yung annulment ng kasal nila ni Camille.

Top 8

At least, nakapasok sa Top 8 si Cloie Syquia-Skarne sa Miss Earth 2016. Siya ang representative ng Sweden. Ang Miss Ecuador na si Katherine Elizabeth Espina ang nagwaging Miss Earth 2016.

Proud na rin kahit papaano ang half-sisters niyang sina KC at Garrie Concepcion.

Kawalan

Malaking kawalan kay Jennylyn Mercado ang pagpanaw ng kanyang mommy Lydia. Tiyak, maninibago siya ngayong wala na ito. Hindi man si mommy Lydia ang biological mother ni Jen, tunay na ina ang turing niya rito.

Ito ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. No’ng nagkaanak si Jen, si mommy Lydia rin ang katulong niya sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Alex Jazz. Tiyak, hahanap-hanapin ng bagets ang kanyang lola Lydia. Our condolences to Jen at iba pang naiwan ni mommy Lydia. Humabol pa siya sa Araw ng mga Patay kahapon.

Bagong hilig

Ang pagsusulat ng kanta ang bagong kinahihiligan ngayon ni Andre Paras. Nag-post siya ng music video sa social media kung saan ibinahagi niya ang kantang sinulat niya.

“I just created my own song on Garage band. I call it “run away model.” It’s not yet done and I honestly just don’t know how to finish it. But all I can say is, this is super fun. I hope I can get better at it and just make chill sounds and maybe one day put vocals in it. Lemme know what you guys think,” post ng “Encantadia” star bilang Wahid.

comments