Home » Entertainment » JaDine binatikos dahil sa love scene

JaDine binatikos dahil sa love scene

2james-nadine-copy-copy

UMAANI ng batikos sina James Reid at Nadine Lustre dahil sa grabeng kissing scenes nila sa kanilang teleserye. May bath tub scenes pa sila ng kanilang love-making.

Nag-react ang mga nakapanood at anila, bakit daw pinayagan ng MTRCB ang gano’ng eksena nina James at Nadine? May mga nagsabing bad influence sila sa mga kabataan.

Supposedly role models sila. Paano raw kung gayahin ng mga kabataan ang ginawa nina James at Nadine?

Dahil ba sa ratings, kaya pumayag silang gawin ang gano’ng eksena? Pero bakit may tsikang tatapusin na ang kanilang teleserye? And how true kayang diumano’y may attitude problem na sina James at Nadine?

comments