Home » News » News Roundup » Shabu session sa sementeryo: 4 huli

Shabu session sa sementeryo: 4 huli

Arestado ang apat na katao matapos silang mahuli ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa loob ng Tugatog Cemetery sa Malabon nitong Lunes.

Kinilala ng police ang mga nadakip na sina Alari Brayan Dalida, 31; Christopher Sta. Maria, 64; Eva Maggalo, 46; at Rosalyn Mirabueno, 24.

Base sa report, namataan ng mga nagpapatrolyang pulis ang mga suspect sa aktong nagsa-shabu sa isang makitid na daanan ng sementeryo bandang 12:45 p.m. Na-recover sa kanila ang apat na pakete ng shabu at drug paraphernalia, ayon sa imbestigador.

Nakakulong ngayon ang apat sa Malabon Police headquarter’s detention cell. (Jel Santos)

comments