Home » Entertainment » Snooky tearfully thanks Marina

Snooky tearfully thanks Marina

snooky-serna1-copy-copy

HINDI na raw bago para sa aktres na si Snooky Serna na maging emotional siya, lalo na kapag ang pinag-uusapan ay ang kanyang pamilya.

Sa press launch ng “Hahamakin ang Lahat” ng GMA-7 ay hindi napigilan ni Snooky na maiyak dahil finally ay na-meet na niya ang current girlfriend ng kanyang ex-husband (Ricardo Cepeda) na si Marina Benipayo.

Limang taon na ang relasyon nila Ricardo at Marina, pero never pa raw sila nagkikita in person, not until ma-cast sila sa iisang teleserye at magkita at mag-usap during the cast pictorial.

“Miss Marina Benipayo, I just want to say truthfully that I am happy and relieved to be able to work with a lady who is very professional and we are very civil towards each other and she is.

“I hope you don’t mind me saying, Marina, I’m not being showbiz, she is a good woman and I wish her all the happiness.

“And I’m thankful really that they’re taking good care of my children.

“Thank you Marina talaga,” maluha-luhang pahayag pa ni Snooky.

Nilinaw pa ng aktres na walang kinalaman si Marina sa paghihiwalay nila ni Ricardo.

Matagal na raw silang hiwalay ni Ricardo bago pa ito nagkaroon ng relasyon with Marina.

“Tama naman ang sinabi ni Marina na everything is done and over with and we have both moved on.

“I am with a partner now and I am happy and you are happy.

“I want to take this opportunity openly to acknowledge you and thank you,” diin pa ni Snooky.

Ayon pa kay Snooky, sa kanya nakatira ang mga anak nila ni Ricardo na sina Sam and Sachi. Weekends daw sila nakina Ricardo at Marina.

“My kids love their Tita Marina. Mga anak ko kasi, very adventurous sila. Nakakasabay sila sa pagiging adventurous din ni Marina. They go out of town on weekends.

“My kids always tells nice stories about Marina and I truly appreciate what she does to my kids.

“Alam n’yo naman, hindi ako ’yung mapasyal na tao. Marina does that to my kids at doon ako natutuwa.”
(Ruel J. Mendoza)

comments