Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bawal umamin

Bawal umamin

derek-ramsay5-copy-copy

MAY nagbabawal ba kay Thea Tolentino na amining boyfriend niya si Mikoy Morales? Iwas na iwas siyang pag-usapan ang relasyon nila kapag tinatanong siya ng entertainment writers.

Pero si Mikoy, inaamin sa mga nakakausap na press ang relasyon nila ni Thea. Magkasama nga silang nanood ng concert ng T.O.P. sa Music Museum.

Nagpapakipot pa?

Nanood din si Mikee Quintos ng concert ng T.O.P. Nali-link sa kanya ang isang miyembro nito, si Louie Pedrosa. Sa interbyu naming kay Louie, sinabi niyang isang taon na siyang nanliligaw kay Mikee, pero hindi pa siya sinasagot nito.

Sabi pa ni Louie, parati niyang pinapanood ang “Encantadia” dahil kay Mikee. She plays Lira sa naturang fantaserye at labis na kinagigiliwan ng viewers ang kikay role niya.

Noong tanungin naming si Mikee kung bakit hindi pa niya sinasagot si Louie, ngumiti lang siya. Hindi kaya babaeng Filipina lang ang peg ni Mikee? Pakipot at pinahihirapan pa muna niya si Louie bago niya ito sagutin? Uso pa ba ’yun sa generation ngayon ng millennials?

Si Sunshine Cruz nga, one week lang niligawan ni Macky Mathay, sinagot niya agad. Sabagay, kanya-kanyang trip lang ’yan.

Loyal

Two years pa ang contract ni Derek Ramsay sa TV5. Naglayasan na ang ibang Kapatid stars pero anang hunk actor, loyal siya sa TV5.

Wala na ang entertainment programs ng naturang network. Ano pa kaya ang pwedeng gawin ni Derek?

Aniya, may inihahanda raw series sa kanya tungkol sa drugs. Napapanahon ang tema dahil sa maigting na anti-drug campaign ng Duterte administration.

Hanggang kalian naman kaya mananatiling loyal sa TV5 si Derek? What if may tempting offer ang ibang network? O, baka naman tatapusin lang niya ang kanyang kontrata at saka siya mag-o-ober da bakod? Wait and see.

comments