Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur at Kylie nagkabalikan, nagli-live-in?

Aljur at Kylie nagkabalikan, nagli-live-in?

aljur1-copy-copy

ANG bagong Dramatic Queen ang tawag ni direk Maryo J. de los Reyes kay Angelica Panganiban. Magkatrabaho sila sa “The Unmarried Wife” at ani direk Maryo, very talented actress si Angelica. Kaya niyang mag-drama, mag-comedy.

Kasama sa naturang movie ng Star Cinema sina Paulo Avelino at Dingdong Dantes. Second time itong magkatrabaho nina Angelica at Dingdong; una silang nagtambal sa “One More Try,” also under Star Cinema.

May eksena sila sa TUW na todo-sampal ang ginawa ni Angelica kay Dingdong. Nahiya raw siya, pero okey lang kay Dingdong dahil trabaho lang ’yun.

Marami ang nagandahan sa official trailer ng TUW na umabot sa 2.6 million views at 64K shares sa loob lang ng 15 minutes.

Ani Dingdong, ito ang pinakaseryosong pelikulang nagawa niya. Happy siyang muli silang nagkatrabaho ni Angelica na isa sa mga hinahangaan niyang mahusay na aktres. Showing sa Nov. 16 ang TUW sa mga sinehan nationwide.

Naglilive-in?

Nagkabalikan na nga ba sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla? Magkasama silang nag-Halloween sa Japan.

Nag-post si Aljur sa social media ng picture nila ni Kylie sa isang Japanese restaurant. Ang ganda ng ngiti ni Kylie.

May kakaibang ningning ang kanyang mga mata kahit naka-transparent na salamin siya. Halatang kilig-kiligan ang gumaganap na Amihan sa “Encantadia.”

Paano na ang “special friend” ni Kylie na si Julian Trono? Goodbye Julian, hello again Aljur?

How true kaya ang tsikang diumano’y magka-live-in na sina Aljur at Kylie sa ni-renovate na house sa QC ni Aljur? Ano kaya’ng reaction ng papa Robin Padilla ni Kylie?

May press release noon si Aljur na kapag natapos na ang renovation ng kanyang house ay hindi na niya kasama ang kanyang parents at siblings. Sa ibang bahay na titira ang mga ito. Dahil kaya kay Kylie?

Samantala, kapana-panabik ang mga tagpo sa “Encantadia.” Mahanap na kaya ni Amihan ang anak niyang si Lira (Mikee Quintos) na nasa loob ng bolang kristal?

Ano ang magiging reaction ni Amihan kapag nalaman niyang ang ama ni Kahlil (Avery Paraiso) ay si Ybarro (Ruru Madrid) na ama rin ni Lira? Anak niya ito kay Alena (Gabbi Garcia) na kapatid ni Amihan.

By the way, babalik na si Gabbi sa “Encantadia.” Nag-taping na siya and soon ay muli siyang mapapanood sa naturang GMA fantaserye.

Nitong nakaraang Undas, nasa isang beach resort sa Laiya, Batangas si Ruru at nasa Boracay naman si Gabbi with her family.

comments