Home » Entertainment » Joyce does bikini scene in tears

Joyce does bikini scene in tears

joyce-ching-copy-copy

THANKFUL ang Kapuso actress na si Joyce Ching na sa swimming pool kinunan ang eksena kung saan pinagsuot siya ng bikini sa afternoon teleseryeng “Hahamakin ang Lahat.”

Umiyak daw kasi si Joyce habang kinukunan ang naturang eksena.

Inamin ni Joyce na sobra siyang na-overwhelm sa naturang eksena kaya kailangan niyang iiyak ang nararamdaman niya.

Mabuti’t hindi raw nahalata ng mga tao na umiiyak siya dahil basang-basa ang mukha niya.

“Nung una po natuwa ako kasi ang hirap nga talaga tumawid from being a tween to not being a tween. At ‘tsaka ’yung characters na ginagawa namin parang nagiging push and pull.

“Parang oh sige bata siya rito, tapos sa next soap medyo mature. Tapos biglang bata uli, so ito noong inexplain siya sa amin talagang ito na ’yung start ng pagma-mature. Wala ng balikan.

“So natuwa ako, na-excite talaga ako kasi para maiba rin ’yung image namin sa mga tao dahil nga 21 years old na kami, hindi na kami parang 16,” diin pa niya.

Medyo nag-dalawang-isip daw si Joyce noong kukunan na ang bikini scene niya.

“Pero nung magtu-two piece na parang nagdalawang-isip ako. Pero taping na eh, parang awa n’yo na po manood kayo ng ‘Hahamakin ang Lahat,’ iniyakan ko po ito!” tawa pa niya.

Noong matapos na raw ang eksena, mabilis na nilapitan siya ng kanyang partner na si Kristoffer Martin para takpan ng tuwalya.

“Kung praning ako, mas praning si Kristoffer sa eksenang iyon.

“Kasi noon, ayaw niya akong masyadong nagpapakita ng skin sa mga suot ko. Bawal ang masyadong maiksing shorts, bawal ang sleeveless. Kaya doon kami hindi nagkasundo.

“Ngayon siyempre, iba na ang situwasyon namin. But still, nandoon pa rin ’yung pagiging maalaga niya.

“Kahit hindi na kami… I know na nandiyan siya for me,” pagtapos pa ni Joyce Ching. (RUEL J. MENDOZA)

comments