Home » News » News Roundup » 2 drug pushers dedo sa shootout

2 drug pushers dedo sa shootout

Patay ang dalawang hinihinalang drug pushers nang manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa loob ng tinaguriang “Drug Haven of the North” sa Navotas City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Dante Novicio, Navotas Police chief, ang mga napatay na sina Emmanuel “Eman” Villa, 40, at June Menioso, 29, kapuwa residente ng Navotas Fish Port Complex sa Barangay North Bay Boulevard North, Navotas.

Base sa imbestigasyon, ikinasa ng Navotas Police Anti-Illegal Drug unit ang buy-bust operation laban sa dalawang suspect sa loob ng Navotas Fish Port Complex bandang 4 a.m.

Isang undercover agent ang nakipagtransaksiyon kay Villa at Menioso para bumili shabu, ngunit bago pa man niya maibigay ang marked money, biglang bumunot ng baril ang dalawang suspect at pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti ang mga pulis at napatay sina Villa at Menioso.

Nakuha kay Villa ang isang .45-caliber pistol at isang pakete ng shabu habang na-recover naman kay Menioso ang dalawang pakete ng shabu at isang .38-caliber revolver. (Jel Santos)

comments