Home » Entertainment » Singer needs fashion consultant

Singer needs fashion consultant

MUKHANG kailangan daw ng magaling at professional fashion consultant ng isang kilalang active na singer na winner dati ng reality show sa isang network.

Puna ng mga sumusubaybay sa magaling na singer, nawawalan na ito ng “sariling identity” sa kanyang hitsura at tila raw nag-e-experimento lang ng looks niya.

Sa isang pa-contest ng isang show kung saan kabilang siya sa tatlong hurado, mayroon daw time na kamukha na niya ang jukebox queen na si Imelda Pa-pin. Akala tuloy nung nakapanood bumalik uli ang show ni Imelda noon na “Pasikatan…” dahil active na uli at nagja-judge pa si Miss Imelda Papin. Laking gulat nung nakapanood dahil kamukha lang pala ni Imelda Papin ang nasabing singer.

Nang lumabas naman daw ito sa isang show para mag-promote ng concert, tila kamukha naman daw ito ni Sheryn Regis. Ano ba talaga, te?

Sino naman kaya ang susunod na magiging kamukha niya? Ano ito, your face sounds, este, looks familiar ang peg?

Pero in fairness, magaling ang singer na ito at may mga hits siyang kanta na patok na patok sa masa.

Tayo’y maghawak kamay at sabay-sabay mag-wish na sana’y maisaayos na ang kanyang image para lumutang ang likas, natural at original niyang hitsura na kahit ayusan siya’y masasabing siyang-siya ’yun. (Dante ‘Danz’ A. Lagana)

comments