Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Virgie in the life of Lovi

Virgie in the life of Lovi

lovi-poe-copy-copy

TATLO ang entry ng Regal Entertainment sa 2016 Metro Manila Film Festival.

“Mano Po 7: Chinoy,” tampok sina Richard Yap, Jean Garcia, Jessy Mendiola, Jake Cuenca, Enchong Dee at Janella Salvador. Directed by Ian Lorenos.

“Our Mighty Yaya,” tampok sina Ai-Ai de las Alas, Zoren Legaspi, Megan Young, Sofia Andres, Betong Sumaya at Lucas Enrique. Directed by Joey Reyes.

“Pwera Usog,” tampok sina Sofia Andres, Joseph Marco, Kiko Estrada, Devon Seron, Cherise Deslippe, Erlinda Villalobos at Albie Casino with Aiko Melendez and Eula Valdez. Directed by Jason Paul Laxamana.

Sayang at hindi na ginawa ng Regal Entertainment ang “Shake, Rattle & Roll.” ’Yun pa naman ang inaabangang horror movie sa MMFF.

Sa Nov. 18 malalaman kung pasok ang tatlong entries ng Regal Entertainment sa eight official entries. More than 30 films ang pagpipilian ng Selection Committee.

Nagbunga

Nagbunga ang magandang pakikisama at pagiging loyal ever ng friend at kasama namin sa industriya na si Virgie Balatico kina Imelda Papin at Willie Revillame.

Kamakailan ay na-stroke si Virgie at na-confine sa Quezon City General Hospital. Si Imelda ang nagbayad ng hospital bill. Nagpadala naman ng cash si Willie.

Kailangang magpa-therapy si Virgie para lubusan siyang gumaling. Dumalaw at nagbigay rin ng financial assistance sina Manay Ichu Maceda, Boots Anson-Rodrigo at Jean Saburit.

Maraming kaibigang artista si Virgie tulad nina Donita Rose, Coney Reyes, Perla Bautista, Delia Razon, Caridad Sanchez, Gloria Romero, Luz Valdez, Tina Revilla, Susan Henson, Cristina Gonzales (mayor ngayon ng Tacloban City) at iba pa.

Panahon pa ni Rogelio de la Rosa’y nasa showbiz na si Virgie. Siya ang naka-discover at nag-asikaso kay Lovi Poe noong dumalaw ito sa burol ng papa nitong si Fernando Poe, Jr. She was 15 or 16 years old then. Kami ang unang nagsulat kay Lovi dahil ipinasulat siya sa amin ni Virgie. Binigyan pa niya kami ng picture ni Lovi na ngayon ay isa nang sikat na Kapuso actress. Kilala pa kaya o naaalala pa ni Lovi si Virgie?

Tutok

Wala pang confirmation o denial sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa tsikang diumano’y nagkabalikan sila at nagli-live-in na sa house ni Aljur. Wala pa ring reaction ang papa Robin Padilla ni Kylie.

Tutok kasi si Robin sa nalalapit na panganganak ng asawang si Mariel Padilla sa USA. November 21 ang expected due date. Sana’y mabigyan na si Robin ng US visa para makapunta na siya sa America.

comments