Home » News » News Roundup » 50 motorcycles kumpiskado

50 motorcycles kumpiskado

Nakumpiska ng Southern Police District (SPD) ang may 50 hinihinalang nakaw na motorsiklo sa dalawang lalaki sa Taguig City nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Superintendent Jenny Tecson, SPD public information officer (PIO), nadakip ng mga operatiba ng Anti-Carnapping (ANCAR) Unit ng SPD sina Samsudin Zailon at Rannie Jolero habang isinasakay nila ang mga motorsiklo sa dalawang six-wheeler trucks sa tapat ng bahay ni Zailon.

Base sa report, naaresto ang dalawang suspek matapos makatanggap ng information ang ANCAR officers na balak nila na ibiyahe ang second hand motorcycles bandang 9 p.m..

Nang sitahin mg mga pulis, hindi nakapagpresinta ang mga suspek ng transport at delivery permits para sa mga naturang motorsiklo. Sinabi ng police na kinumpiska nila ang mga second-hand motorcycles para ma-verify kung nakaw nga ang mga ito. (Martin A. Sadongdong)

comments