Home » Entertainment » Betong star-struck by Alma and Gabby

Betong star-struck by Alma and Gabby

untitled-4-copy

SOBRANG na-star-struck ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya dahil nagkaroon siya ng chance na makatrabaho ang mga artistang pinapanood at hinahangaan niya noon na sina Gabby Concepcion at Alma Moreno.

Kasama si Betong sa cast ng bagong weekly comedy series ng GMA-7 na “Tsuperhero.”

“Sobrang nakaka-flatter! Actually flattered na flattered ako sa nangyayari ngayon. Siyempre proud din ako na nakasama ako rito.

“At the same time palagi kong ka-eksena si Mr. Gabby Concepcion kaya nakakatuwa.”

Nagbiro pa si Betong na pambalanse raw siya sa “Tsuperhero” na ang male cast ay mga guwapo lahat.

“Sa totoo lang, mauumay kayo sa mga guwapong lalake ng ‘Tsuperhero.’

“Siyempre, si Mr. Gabby alam nating sobrang guwapo ’yan. Lalo na si Derrick Monasterio na saksakan ng pogi.

“Pampawala ako ng umay. Kumbaga, kung sawa na kayo sa mga magagandang lalake, ako naman ang balingan nila!” malakas na tawa pa niya.

Isa pang ikinatuwa ni Betong ay ang pakikipagtrabaho sa veteran actress na si Ms. Alma Moreno.

Noon pa man ay gandang-ganda na si Betong kay Alma at hindi niya akalaing balang-araw ay makakaeksena pa niya ito sa isang show.

Bumilib si Betong sa pagiging professional ni Alma dahil sa gitna ng mga pangyayaring iyon sa pamilya nito, nagawa pa nitong makapag-taping.

“That time parang hindi ko alam kung paano mo ba siya ia-approach?

“Actually ang ginawa lang naming lahat is hindi na namin siya tinanong. Parang pinaramdam na lang namin siguro ’yung parang pag-yakap, ’yung ganun.

“Kasi ang hirap nung pinagdadaanan niya. Tapos ’yung eksena pa namin sa presinto talaga.

“Pero kita mo naman talaga si Ms. Alma, talagang very professional nagawa niya pa rin.

“Kaya lalo ko siyang hinangaan sa ginawa niyang ’yon para sa show namin,” pagtatapos pa ni Betong Sumaya.
(RUEL J. MENDOZA)

comments