Home » Entertainment » A teleserye and comedy show for Gabby Concepcion

A teleserye and comedy show for Gabby Concepcion

gabbyconcepcion-copy-copy

Masayang binalita ng former screen heartthrob and matinee idol na si Gabby Concepcion ang kanyang bagong pagbibidahang na teleserye sa GMA-7.

Ito ang ikalawang teleseryeng magtatampok kay Gabby sa Kapuso network pagkatapos niyang gawin ang primetime series na “Because of You” with Carla Abellana.

Sa bagong teleserye ay makakasama niya ang Kapuso stars na sina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Mike Tan at Rich Asuncion.

Ang magiging director nila ay ang award-winning na si Laurice Guillen.

Isang magandang reunion ito para kina Gabby at Direk Laurice dahil nagkasama na sila sa ilang pelikula tulad ng “Rosenda,” “Una Kang Naging Akin,” “Tayong Dalawa” at “I Love You Goodbye.”

Excited na pinost pa ng aktor sa kanyang Instagram account ang tungkol sa teleseryeng ito.

“Something new, something different. A new afternoon TV drama with @m_sunshinedizon and @iamryzacenon Directed by @lauriceguillen #gmadrama #gmanetwork #gmatv #gmanewstv #gmanews”

Hindi raw nagawang tanggihan ni Gabby ang naturang teleserye kahit na nagsabi siyang gusto niya munang magpahinga sa paggawa ng teleserye pagkatapos ng “Because of You.”

Ikinatuwa raw ng aktor ang role na gagampanan niya sa untitled teleserye. First time kasi siyang gaganap bilang isang piloto.

Nai-share pa ni Gabby na noong bata pa siya ay isa sa pangarap niya ay ang maging isang piloto at magpalipad ng eroplano.

“Interesting for me dahil first time na naman. I will play a pilot sa teleserye na ito.

“’Yun ang mga hinahanap ko sa projects, kung maaari ay first time talaga.

“I am not one to turn down juicy roles and beautiful stories,” ngiti pa niya.

Bukod sa bagong teleserye, mapapanood din si Gabby sa weekly comedy-adventure series ng GMA-7 na “Tsuperhero” kung saan bida ang loveteam nila Bea Binene at Derrick Monasterio.

Ayon kay Gabby, tinanggap niya ang show na ito dahil bihira raw siyang gumawa ng comedy. (RUEL J. MENDOZA)

comments