Home » Entertainment » Eula saves 8-year ties with model boyfriend

Eula saves 8-year ties with model boyfriend

10eula-valdez-copy

HINDI dine-deny ng aktres na si Eula Valdes na muntik nang mauwi sa hiwalayan ang relasyon niya sa kanyang model-actor boyfriend na si Rocky Salumbides.

Pero dahil sa nagkaroon sila ng maayos na pag-uusap, nai-salba ni Eula ang walong taong relasyon niya with Rocky.

“Nagkaroon talaga kami ng problema. Pero I won’t go into details pa. Pero first time kong ipinaglaban ang relasyon kong ito.

“Masaya lang ako kasi maraming nagbigay ng advise sa akin.

“From my friends in and out of showbiz, parang concerned sila sa relasyon ko.

“Parang nahulaan nila agad na may something wrong sa amin ni Rocky,” diin ni Eula.

Pati raw mga anak ni Eula na sina Miguel at Juliana ay kasama rin sa kumausap sa kanya para maayos ang problema nila ni Rocky.

“My kids are close to Rocky. Kaya nandoon ang concern nila para sa amin.

“Kung ako lang siguro, dinedma ko na lang ang lahat. But my kids, sila ang nagpu-push sa akin to do something about it.

“Sabi ng eldest ko na si Miguel, ‘Iyon ba talaga ang gusto mo, pabayaan? So, itatapon mo na lang ba yung eight years?’

“That made me think. Oo nga naman, eight years is eight years. Bakit ko siya basta na lang itatapon, ’di ba?

“Sobrang bait na tao ni Rocky, wala akong maisip na rason para magalit sa kanya. So first time in my life, ipinaglaban ko ’yung love sa buong buhay ko,” diin pa ni Eula.

Pagkatapos ng isang buwan na nagkahiwalay sila, okey na ulit ang relasyon nila Eula at Rocky. Mas stronger pa raw sila ngayon.

“We are stronger than ever. Kailangan lang ng maayos na communication,” pagtapos ni Eula na kasama sa cast ng GMA teleserye na “Hahamakin ang Lahat.” (RUEL J. MENDOZA)

comments