Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rocco nag-a-ala Marvin

Rocco nag-a-ala Marvin

23rocco-copy-copy

SI Marvin Agustin kaya ang peg ni Rocco Nacino sa food business? Ang dami nang restaurants ni Marvin at patuloy pang nadadagdagan. May business partners si Marvin, gayun din si Rocco na may dalawa nang restaurants (Rufo’s Steak sa tapat ng GMA Network Center) at Backyard Kitchen & Brew.

Soon ay mag-o-open ang third restaurant ni Rocco, ang Yuan Bistro sa Kapitolyo, Pasig City. Meron din siyang dalawang branches ng Elorde gym.

Anang “Encantadia” star, hindi forever ang showbiz, kaya nag-i-invest siya sa business. Satisfied siya sa ROI (Return of Investment) kaya iniisip niyang magdagdag pa ng business.

Kapag wala siyang taping ng “Encantadia” at ibang work sa showbiz, nagpupunta si Rocco sa kanyang mga negosyo para personal na istimahin ang mga customer. Nakapunta na kaya ang nali-link na co-“Encantadia” star niyang si Sanya Lopez sa isa sa mga restaurant ng Kapuso actor? O, naggi-gym ba kaya si Sanya sa Elorde gym ni Rocco?

Parehong iniwan

Wala naman sigurong hidden agenda sina Jennylyn Mercado at Angel Locsin sa pag-follow nila sa isa’t isa sa Instagram.

Pareho silang ex-girlfriends ni Luis Manzano. Pareho rin silang talent ng former manager nilang si Becky Aguila.

Hindi naman siguro sanib-puwersa sina Angel at Jennylyn para sirain ang relasyon nina Luis at Jessy Mendiola. Pareho silang iniwan ni Luis. Sa isang interbyu namin kay Jen, aniya, sa telepono nakipag-break si Luis sa kanya na ikinawindang niya. Sa presscon ng “The Third Party,” sinabi naman ni Angel na may third party sa hiwalayan nila ni Luis. Hindi niya nabanggit kung sa telepono rin nakipag-break sa kanya si Luis.

Happy ngayon si Jen with Dennis Trillo. Hopefully soon ay dumating na si Mr. Right for Angel.

Seryoso na

Wala pa ring pahayag si Robin Padilla sa pag-amin nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na nagkabalikan sila. Mukhang seryoso na sila sa kanilang relasyon ngayon. Halos ayaw na nilang maghiwalay.

Huwag lang sanang pababayaan ni Kylie ang taping ng “Encantadia” dahil in love siya ngayon. May pahayag noon si Robin na kapag may ipapakilalang boyfriend si Kylie ay tuloy kasalan na. Si Aljur na kaya ’yun?

Magkakaroon na si Kylie ng kapatid sa ama. Nov. 21 ang expected due date ni Mariel Padilla. Wish ni Robin na mabigyan na siya ng US visa para makapunta na siya sa America. Nagpatulong na siya sa ABS-CBN na nagpadala ng sulat sa US Embassy.

comments