Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Davao bomber sumuko

Davao bomber sumuko

Sumuko ang isang Davao City bombing suspect sa Philippine Army at Philippine National Police sa Cotabato City kahapon.

Kinilala ni Col. Benjamin Hao, Army spokesman, ang suspect na si Jerico Javier de Roma, alias “Kokoy,” 25, residente ng Mandanas Compound, RH10, Cotabato City, at miyembro umano ng Cotabato chapter ng Dawlah Islamiyah Fi Lanao o Maute Group. Ayon kay Hao, si De Roma ang driver ng sasakyan na ginamit ng mga suspect sa bombing noong September 2.

Labinlimang katao ang namatay samantalang 70 iba ang nasugatan sa insidente. Sumuko umano si De Roma dahil sa isinasagawang walang tigil na pagtugis sa mga suspect.

Nasa custody ng Criminal Investigation and Detection Group-Autonomous Region of Muslim Mindanao ang suspect. Si De Roma ang panglimang bombing suspect na natimbog ng mga otoridad sa loob ng dalawang linggo. Noong October 29, apat na suspect ang nahuli ng mga otoridad sa Cotabato City.

Tinatayang anim pang bombing suspect ang wanted ng mga otoridad. (Francis T. Wakefield)

comments