Home » News » News Roundup » Ecstacy seller arestado

Ecstacy seller arestado

Arestado ang isang 21-year-old student nang makumpiska sa kanya ang 14 na piraso ng ecstacy sa isang buy-bust operation na isinagawa ng anti-narcotics agents ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City, Miyerkules ng gabi.

Nadakip si Kim Go ng mga miyembro ng SPD Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) sa Bonifacio
Global City (BGC), Taguig, dakong 10 p.m., ayon kay Supt. Jenny Tecson, SPD public information officer (PIO).

Base sa police report, natimbog si Go matapos na makabili sa kanya ang isang police poseur-buyer ng limang pills ng Defqon ecstasy, isang party drug, sa halagang P2,500.

Maliban sa limang piraso ng Defqon, nakuha rin sa kanya ang lima pang pills na nakasilid sa isang candy box, ayon kay Tecson. (Martin A. Sadongdong)

comments