Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Gumuhong dike ni Leni sa Naga ginagawa na

Gumuhong dike ni Leni sa Naga ginagawa na

Sinabi ng tanggapan ni Vice President Leni G. Robredo na inaayos na ang bahagi ng gumuhong dike sa Naga River na kanyang ipinagawa noong siya ay congresswoman pa lamang.

Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, inatasan na nila ang project contractor Bicol Goldrock Construction Corp. na ayusin ang dike sa Barangay Balatas, Naga City at siniguradong mananagot ito kapag ito ay hindi naayos.

“The countrymen of VP Leni in Naga are rest assured that VP Leni is monitoring the repairs. She is making sure that all of the persons involved would be held liable,” sinabi ni Hernandez sa isang radio interview.

Ang project na nagkakahalaga umano ng P375 million ay bahagi ng Naga River Revetment Project na pinondohan ni Robredo gamit ang kanyang P650-million Community Development Fund.

Mismong si Robredo ang namuno sa project inauguration noong September 9. Gumuho ito noong nakaraang linggo dahil umano sa malakas na pag-ulan. (Raymund F. Antonio)

comments