Home » Entertainment » Kristoffer remains open to reconciliation with Joyce

Kristoffer remains open to reconciliation with Joyce

HAPPY ang Kapuso leading man na si Kristoffer Martin dahil sa magandang ratings na natanggap ng teleserye nila ni Joyce Ching na “Hahamakin ang Lahat.”

Malaki ang pasasalamat nila ni Joyce sa KrisJoy fans dahil sa solid na pagsuporta sa kanila.

Kaya naman marami ang nagtatanong kung open na ba ang dalawa sa pakikipagbalikan?

Para kay Kristoffer, never naman daw niyang isinara ang posibilidad na puwede pa silang magkabalikan ni Joyce.

“Sabi ko nga, nung mga bata pa kami, marami talagang kailangang adjustments.

“Siguro kung mabibigyan ulit ng chance magkabalikan kami, mas magagawa namin talaga na mas better na ’yung relationship namin.

“Hindi naman kami nagku-close ng doors, eh.

“Lalo na ngayon because of the teleserye, kami lang palagi ang magkasama.

“Kapag may heavy scenes, nandiyan siya’t nakasuporta,” ngiti pa ni Kristoffer.

Nagkaroon ng relasyon sina Kristoffer at Joyce noong pinagtambal sila noon sa teen show na “Reel Love Presents Tween Hearts.” Dalawang taon din tumagal ang kanilang relasyon.

Nag-break sila noong 2014.

“Lahat ng mga isasakripisyo ay naisakripisyo na namin nung time namin.

“Well, bata pa kasi kami noon, kaya all for love talaga, eh.

“Dumating sa point, lalo na kay Tita, sa mommy ni Joyce. Na-challenge din ako kasi ayaw pa ni Tita, kasi bata pa si Joyce noong mga panahon na yun.

“Pero ligaw lang talaga, eh, ’yung makuha mo ’yung trust nung parents.”

Naging maayos na raw ang relasyon ulit ni Kristoffer sa parents ni Joyce. Handa ba niyang ligawan ulit ang mga parents ni Joyce?

“Bakit naman hindi? Kung iyon ang magiging way para mas pagkatiwalaan nila ako, gagawin ko iyon.

“Basta okey lang kay Joyce, lahat naman ay gagawin ko kahit na ’yung maghintay sa panahon na ready na siya ulit makipagbalikan,” pagtapos pa ni Kristoffer Martin. (RUEL J. MENDOZA)

comments