Home » News » News Roundup » Hitman nasakote sa Malabon

Hitman nasakote sa Malabon

Isang hinihinalang hitman ang naaresto ng police operatives sa kanyang bahay sa Malabon nitong Huwebes. Ayon sa Malabon Police, 15 beses nang nagamit sa krimen at nakapatay na ng 20 tao ang baril na nakumpiska sa suspek na si Joven Diaz, 26.

Inaresto si Diaz ng team na pinamumunuan ni Malabon Police Intelligence Unit head Inspector Dante Navarra sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Tonsuya, Malabon, bandang 2 p.m. sa bisa ng isang arrest warrant.

Nakumpiska kay Diaz ang pitong plastic sachets ng shabu at isang .38-caliber revolver. (Jel Santos)

comments