Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » 3 ginto sa PH paddlers

3 ginto sa PH paddlers

13dragon-copy

PUERTO PRINCESA – Tatlong gintong medalya at dalawang pilak ang agad na iniuwi ng Dragonboat squad ng Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) sa pagsambulat dito Biyernes at Sabado ng 2016 Asian Club Crew at Palawan Open sa bagong gawa na parke na Baywalk.

Pinangunahan ng Pinoy paddlers ang dalawang heats ng 20 seater men’s 500 at junior mixed 500m Biyernes ng umaga upang tipunin ang pinakamabilis na pinagsamang oras para matagumpay nitong maipagtanggol ang kanilang mga medalya na kanilang napanalunan dalawang taon ang nakalipas sa Thailand.

Nagdagdag din ng pilak sa 1-0seater men at ang bagong buo na koponan sa 10-seater women sa 500m.

Hindi naman nagpaiwan ang bagong buo lamang na Philippine women’s team na nasa una pa lamang nitong pagsali sa internasyonal na torneo matapos na dominahin ang small boat womens para sa ikatlong medalya ng Pilipinas.

“We never expected them to win the gold dahil malakas talaga ang Thailand. Wala pa iyan halos two months nabuo at ngayon lang talaga nagkasama-sama dahil madalas sila sa mixed team kaya nagulat kami noong naungusan nila sa first heat tapos hinabol ang Thailand sa last 50 meters ng second heat para manalo,” sabi PCKDF national head coach Lenlen Escollante. (ANGIE OREDO)

comments