Home » News » Headlines » Mayor Sara names baby as ‘Stonefish’

Mayor Sara names baby as ‘Stonefish’

“Stonefish” ang pangalan ni Davao City Mayor Sara Z. Duterte sa kanyang magiging anak, alinsunod sa pangalan ng mga sea creatures, kagaya ng kanyang mga anak na pinangalanang “Stingray” at “Sharky.”

Sa isang Instagram post, sinabi ni Duterte na small but strong ang kanyang natitirang buhay na triplet sa kanyang sinapupunan.

“In the underwater world, you don’t have to be the largest creature to be the biggest threat,” ayon kay Duterte.

“The stonefish, which reaches an average length of 30 to 40 centimeters and up to 2 kg/ 5 lbs in weight, is the most venomous fish in the world, having venomous sacs on each one of its 13 spines.”

“Stonefish is approaching 18 weeks, and is healthy,” dagdag ng anak ni Pangulong Duterte. Sinabi ni Mayor Sara na “her baby would be tough, like his mother.”

Ayon sa isang source, lalake ang bata.

Limitado ang paglabas ni Mayor Sara dahil sa maselan niyang pagbubuntis na kanyang ibinunyag noong July.

Namatay ang dalawang triplets ni Duterte ilang araw matapos ang Davao City bombing noong September. (YAS D. OCAMPO)

comments