Home » Entertainment » Frenchie says her son’s a miracle baby

Frenchie says her son’s a miracle baby

untitled-1-copy

MIRACLE baby ang turing ng “Star in a Million” Season 2 grand champion na si Frenchie Dy sa kanyang 3-year old son na si Kyte Marion.

Kuwento ni Frenchie, nine years na silang kasal ng kanyang mister pero hindi pa rin daw sila nabibiyayaan ng isang anak.

Hanggang magkaroon ng show si Frenchie sa isang simbahan kung saan nakilala niya ang isang madreng nagsabing mabubuntis na siya.

“Milagro ’yung nangyari talaga sa akin.

“Nine years na kami ng mister ko, pero hindi pa kami nabibiyayaan ng baby.

“Noong makilala ko itong si sister sa isang simbahan kung saan kumanta ako, hinipo niya ang tiyan ko at sinabi niyang magkakaroon na ako ng anak.

“True enough, four months later nabuntis ako.

“Kaya sobra kaming masaya ng mister ko kasi matagal naming hinintay ang pagkakataong iyon.

“Noong hinanap ko ’yung madre, nalaman kong nag-mongha na siya. Nasa malayong lugar na siya at hindi na siya nakakalabas.

“Kaya every time na kunin akong kumanta doon sa simbahan, oo kaagad ako. I perform for them for free dahil walang katumbas ang biyayang binigay nila sa aming mag-asawa,” masayang kuwento ni Frenchie.

Pinagpapasalamat ni Frenchie ang pagkakaroon niya ng anak dahil na-diagnose nga raw siyang may problema sa kanyang uterus.

“Noong sabihin sa akin ng doktor iyon, sabi niya may chance pa akong magbuntis. Pero ’yun na ang una’t huli na puwede akong magbuntis.

“Kaya dumating sa tamang panahon ’yung pagbubuntis kong iyon.

“Muntik na kaming mag-give up noon pero biglang may miracle na dumating kaya forever akong grateful at parati ang dasal namin kay Lord sa pagbigay sa amin kay Kyte,” diin pa niya.

This coming Dec. 3 ay magkakaroon ng one-night show si Frenchie sa Theatre at Solaire kasama sina Radha at Bituin Escalante titled “The Big Big Show.”

First time na magsasama-sama ang mga tinaguriang Birit Queens at big entertainment ang handog nila sa mga manonood.
(RUEL J. MENDOZA)

comments