Home » Entertainment » Radha battles depression, returns to singing

Radha battles depression, returns to singing

untitled-2-copy

KUNG may kulang daw sa buhay ng dating miyembro ng singing group na Kulay na si Radha, iyon ay ang magkaroon ng anak.
Ayon sa 39-year old singer (who is the granddaughter of award-winning Philippine actress Lolita Rodriguez), matagal niyang pinagdasal na magkaroon sila ng anak ng ex-husband niya noon.

“Yun ang masasabi kong naging kulang sa buhay namin noon.

“I was married for seven years and we really tried to get pregnant.

“Pero siguro nga, it wasn’t meant to be. Kasi our marriage crumbled. I got an annulment and I was emotionally depressed for a long time.

“Kung may anak man kami noon, baka napabayaan ko because of what happened to our marriage.

“But thank God, hindi kami nagkaroon ng anak noong mga panahong magulo ang lahat.

“Yet I always pray na sana nga nagkaroon ako ng anak. Maybe my life would have been different,” pahayag pa ni Radha.

Because of her depressive state before, tumigil sa pagiging singer si Radha. Noong panahon na iyon biglang nag-gain ng weight ang dating very physically fit na si Radha.

“I stopped singing. Gano’n ako ka-depressed noon.

“I decided to work as a production staff for Fearless Production noon. That was the company of Jomari Yllana and Ronald Singson.

“Because I wasn’t doing any shows, I started to gain weight. Lahat ng mga taong kakilala ko ay nagulat because hindi gano’n ang katawan ko before.

“From being this fit singer bigla akong tumaba talaga. I was constantly battling with my weight and I got tired na.

“Then I realized na it’s not too late. I can always go back to singing ang make this body work. I then decided to get up again and be Radha the singer again,” masayang kuwento niya.

Dahil nakabalik na si Radha sa pag-perform ulit, mapapanood siya sa one-night show sa Theatre at Solaire on Dec. 3 via “The Big Big Show” with Bituin Escalante and Frenchie Dy. This is produced by Fullhouse Asia. (Ruel J. Mendoza)

comments