Home » Entertainment » Bea on Derrick: ‘Best friends kami’

Bea on Derrick: ‘Best friends kami’

15bea-binene-instagram-copy

TAHIMIK lang ang celebration ng Kapuso actress na si Bea Binene ng kanyang 19th birthday noong nakaraang Nov. 4.

Nakasama ni Bea sa kanyang simpleng celebration ang kanyang pamilya at ilang mga close friend in and out of showbiz.

Kung noong nakaraang taon ay bongga ang kanyang debut na ginawa sa isang hotel, ngayon daw ay mas gusto ni Bea na tahimik lang para mas maasikaso niya ang mga taong mahal niya.

Kabilang sa mga nakasama ni Bea on her birthday ay ang cast members ng show niya noon sa GMA-7, ang “Reel Love Presents Tween Hearts,” na sila Barbie Forteza, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Louise delos Reyes at iba pa.

Bihira na raw kasi silang magsama-sama, hindi tulad noong mga bata pa sila na tuwing taping ay nagkikita sila.

Ngayon ay may kanya-kanya na silang mga trabaho at mabuti na kahit na once a year ay nagsasama-sama sila para magbalitaan.

As expected, hindi present ang ex-boyfriend ni Bea na si Jake Vargas.

Understandable naman daw kung bakit wala roon si Jake. Pero claim ni Bea ay civil naman daw sila sa isa’t isa.

“Kapag nagkita naman po kami, binabati namin ang isa’t isa. Okey na po na hanggang doon na lang,” diin pa ni Bea.

At siyempre, hindi mawawala ay ang ka-loveteam niya sa GMA comedy program na “Tsuperhero” na si Derrick Monasterio.

“Isa si Derrick sa best friends ko na lalake. Maganda ang chemistry namin at nagkakasundo kami sa maraming bagay.

“Mahirap nang mag-expect kung liligawan ba niya ako nang totohanan. May times kasing nagbibiro lang ’yan.

“But just the same, may tiwala ako kay Derrick at kung maging kami nga, siguro destiny na iyon.

“For now, best friends kami at ang relasyon lang namin ngayon ay ang trabaho namin,” pagtapos pa ni Bea.
(RUEL J. MENDOZA)

comments