Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » LizQuen doing mature roles in next movie

LizQuen doing mature roles in next movie

lizquen-foto-copy-copy

ONCE again, magtatambal sina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez sa “Usapang Real Love.” Itatampok sila sa four episodes nito na magsisimula this Sunday.

Unang nagtambal sina Aljur at Janine sa “Once Again.” Komportable na silang katrabaho ang isa’t isa. Ayon kay Janine, nagawa niyang itanong kay Aljur ang tungkol sa pakikipagbalikan nito kay Kylie Padilla. Ngumiti lang daw ang Kapuso actor.

Kung happy heart si Aljur, heartbroken naman si Janine dahil break na sila ni Elmo Magalona. Carry naman ni Janine at blooming pa nga siya.

Panoorin n’yo siya sa “Encantadia.” Ang ganda-ganda niya bilang Agua, ang kambal diwa ni Alena (Gabbi Garcia).

Napaka-pleasant ng dating ni Janine on screen.

Level up na

Level up na sina Liza Soberano at Enrique Gil sa bagong pelikulang gagawin nila under Star Cinema. Mature na ang karakter nila roon.

Ibig kayang sabihin, may kissing scenes na sina Liza at Enrique tulad ng ginawa nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa “Barcelona”?

“My Ex and Whys” ang title ng LizQuen movie at sa Korea ang shooting nila. Former sweethearts ang roles nina Liza at Enrique. Playboy si Enrique at nasaktan niya si Liza. Dahil du’n, natakot na ang huling umibig muli. Natakot siyang masaktan muli.

Sa balitang itatambal si Liza kay Coco Martin, ayon sa dalaga, wala siyang alam. If ever, willing siyang makatrabaho si Coco na aniya’y isang magaling na aktor.

Parangal

Si Nora Aunor ang mag-aabot ng karangalan kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa gaganaping GUSI International Peace Prize Awards on Nov. 23 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Last year, ang superstar ang nag-iisang Pinay na pinarangalan for Cinematic Excellence. This year, si PNP Chief Bato dela Rosa naman ang pararangalan. Exciting ang pagkikita ng dalawa.

Samantala, tatanggap si Nora ng isang international Lifetime Achievement Award, Cinematic Excellence Pride of Maharlika Award sa North America, USA.

Ang parangal ay iginagawad sa iba’t ibang personalidad na outstanding sa kani-kanilang craft.

comments