Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aiko handang isakripisyo ang love life para sa mga anak

Aiko handang isakripisyo ang love life para sa mga anak

aiko-copy-copy

Kahanga-hanga si Aiko Melendez bilang isang ina. Handa siyang isakripisyo ang personal niyang kaligayahan alang-alang sa mga anak niyang sina Andrei (kay Jomari Yllana) at Marthena (kay Luke Jickain).

Ani Aiko sa guesting nila ni Andrei sa “Gandang Gabi Vice,” kapag tinatanong niya ito kung payag ba itong mag-asawa siya muli, sinasagot siya ni Andrei ng “Hindi pa ba kami sapat sa iyo?” Kaya siguro, hindi nagtatagal ang pakikipag-relasyon ng aktres after Jomari and Luke. Mas nananaig ang pagmamahal niya sa dalawa niyang anak.

Inamin naman ni Andrei na umaasa pa siyang magkakabalikan ang kanyang daddy at mommy. Gumawa pa siya ng paraan at nagsinungaling sa dalawa. Sinabihan niya ang mga ito na nami-miss na nila ang isa’t isa.

Who knows magkatotoo ang wish ni Andrei? Mukhang wala namang sineseryosong relasyon si Jomari matapos silang maghiwalay ni Aiko. Ganoon din ang aktres na balitang hiwalay na sa kanyang foreigner boyfriend.

Hindi kaya sa bandang huli’y sina Jomari at Aiko pa rin ang maging forever?

Binastos

May mabuting puso pa rin si Rhian Ramos. Maraming concerned friends niya ang nagsabi sa kanya na pangalanan niya ang lalaking diumano’y nambastos sa kanya sa isang bar. Sa pag-iimbestiga ni Rhian, nalaman niya ang pangalan, business at pamilya ng lalaki. Ang kapakanan pa nito ang inisip niya dahil may asawa’t mga anak itong babae. Ayaw ni Rhian i-bully o mapahiya ang mga ito sa pambabastos ng kanilang ama.

Hiling

Maraming Kapuso viewers ng “Encantadia” ang humihiling na ipasok si Aljur Abrenica para maging love interest ni Kylie Padilla. Mukhang sobrang love nila ang isa’t isa sa kanilang second chance.

Nag-audition si Aljur sa “Encantadia,” pero hindi siya nakapasa. Puwede naman sigurong mag-create ang writers ng karakter para kay Aljur para makapareha ni Kylie.

May Encantadiks na ayaw sa pagkakamabutihan ng karakter nina Amihan (Kylie) at Ybarro (Ruru Madrid). Mas gusto nila si Ruru para kay Gabbi Garcia na bumalik na ang karakter bilang Alena.

Friends

Kahit hindi sila nagkabalikan ni John Lloyd Cruz, masaya na rin si Angelica Panganiban. Friends pa rin sila at kamakailan lamang ay magkasama sila sa isang restaurant.

Wish ng friends ng aktres na magkaroon sila ng second chance ni JLC. Pero ayaw umasa ni Angelica. Kung anuman ang mangyari, tanggap niya. By the way, showing today ang “The Unmarried Wife” kung saan kasama ni Angelica sina Dingdong Dantes at Paulo Avelino.

comments