Home » News » News Roundup » Marijuana kumpiskado sa bus terminal

Marijuana kumpiskado sa bus terminal

Kinumpiska ng police ang 10 kilong dried marijuana na nagkakahalaga ng P120,000 sa isang bus terminal sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Kinuha ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) bandang 11:30 p.m. ang 10 blocks ng dried marijuana leaves na nakalagay sa cardboard box na naiwan sa package at baggage area ng Florida Bus Terminal sa EDSA, Barangay West Kamias.

Ayon sa terminal authorities, natagpuan ng isang security guard ang kahon na nakapangalan sa isang Ermillinda G. Torres.

Nang walang mag-angkin ng kahon, binuksan ito ng security guard at doon niya nakita ang marijuana blocks. Agad na ipinagbigay alam niya ang kanyang nakita sa police patroller na nakaantabay malapit sa bus terminal.

Inaalam pa ng QCPD ang kinaroroonan ni Torres. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments