Home » News » News Roundup » ‘Salvage’ victim itinapon sa Navotas

‘Salvage’ victim itinapon sa Navotas

Isang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan malapit sa C-3 bridge sa Barangay North Bay Boulevard North, Navotas, bandang 6:20 a.m. kahapon.

Ayon kay Senior Supt. Dante Novicio, Navotas Police chief, isang jogger ang nakadiskubre sa bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na nasa edad 35, may taas na 5’2’’, maputi, may katamtamang pangangatawan, at nakasuot ng gray t-shirt at bulaklaking short.

Natagpuan sa bulsa ng biktima ang dalawang plastic sachets na may shabu. Na-recover din ng mga imbestigador sa crime scene ang apat na basyo ng bala.

Ito ang pampitong “salvage’ victim na itinapon malapit sa nasabing tulay. “Many suspected victims of summary execution were dumped near the C-3 bridge, because it is very dark there at night,” sabi ni Novicio. (Jel Santos)

comments