Home » News » Headlines » ‘Crazy Yellow Kia’ driver pinahaharap ng LTO

‘Crazy Yellow Kia’ driver pinahaharap ng LTO

Hindi pa lusot sa mga asunto ang driver ng sasakyan na tinawag na “Crazy Yellow Kia” ng mga netizens.

Ipinatawag ng Land Transportation Office si Jamie Camille Brojan upang harapin ang reklamong reckless driver na isinampa laban sa kanya pagkatapos ng insidente sa Makati City last week.

Nag-issue ng subpoena si LTO Intelligence and Investigation Division Officer-in-Charge Martha F. Flores at inatasang humarap sa ahensiya si Brojan sa LTO headquarters sa East Ave., Quezon City bukas ng 10 a.m. at sagutin ang reklamo na paglabag ng Section 48 ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

Nanganganib na matanggalan ng driver’s license kapag napatunayan ang reklamo laban kay Brojan.
(Vanne Elaine P. Terrazola)

comments